We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.
/

about

Inspired by Mr. Cariñoso and the late Johhny Midnight

lyrics

Tito Ton-Ton: Oras sa buong kapuluan ay alas dose impunto ng hatinggabi. Magandang madaling araw po sa ating mga giliw na tagapakinig ako po si Tito TonTon. Kayo po ay nakikinig sa Midnight Radio. Ang inyong kaulayaw sa madaling araw. Ngayong gabi ay matutunghyan po natin ang iba't ibang storya ng ating mga callers at kanilang mga problema at kung papano natin mabibigyang linaw at mapapayuhan ng karampatang sulusyon. Pero bago natin makalimutan ang ating programa ay hatid sa inyo ng Haplos Ointment, "ginhawa sa bawat haplos, lamig sa likod ay tapos'. Haplos Ointment, mabibili sa inyong mga suking drugstore. Samantala makinig po muna tayo ng isang awit para sa mga kasama nating nakikipagpuyatan, Magandaang madalling araw po sa inyong lahat, huwag po kayong tutulog tulog sa trabaho. Para po sa inyo itong awit na ito. DJ take it away..

Tito Ton-Ton: Sa ating mga giliw na tagapakinig maging kayo man ay truck driver, taxi driver, security guard, kasambahay o kahit sinomang gising pa, nais pong ipagbagay alam ng Midnght Radio na bukas na po ang linya ng ating telepono. Para po sa ating unang caller sya po ay gustong magtago sa pangalang Ms. Capricorn nagmula sa Meycauayan Bulacan. Ms. Capricorn magandang madaling araw po sa inyo ano po ang maipaglilingkod natin?

Ms. Capricorn: Magandang Madaling araw po Tito TonTon. Ang problema ko po, yung MVP sa interbaranggay liga dito, nanliligaw po sa'kin. Problema po may girfriend sya na taga callcenter pero bihira naman daw po sila magkita eh. Gusto ko po sya kaya bnireak ko po yung boyfriend ko.Ano pong gagawin ko?

Tito Ton-Ton: Nako Ms.Capricorn bago ko sagutin yan, makinig muna tayo ng patalastas.

Tito Ton-Ton: Tayo po'y nagbabalik para payuhan si Ms. Capricorn, nakipaghiwalay sa kanyang giliw para magbigay daan sa MVP ng kanilang baranggay na di umano'y meron namang giliw din. Ms. Capricorn, tama po ba?

Ms. Capricorn: Opo Tito Ton-Ton, eeh hihiwalayan din naman daw po nya eh. Pero di pa ngayon. Kaya nga pag lumalabas kami laging patago eh. Wala daw dapat makaalam.

Tito Ton-Ton: Ms. Capricorn, ayoko mang sabihin sa'yo to pero paprangkahin na kita. Hwag kang tatanga-tanga. Kapag nakuha na nyan ang gusto nya eh iiwanan ka na din nyan.

Ms. Capricorn: Pero mahal ko po sya eh, mahal din daw po nya ko.

Tito Ton-Ton: Makinig ka sa'kin. niloloko ka lang tong lalakeng to. Nagpapaloko ka naman.

Ms. Capricorn: Eh hihiwalayan din daw po nya girfriend nya eh.

Tito Ton-Ton: Josie, makinig ka sakin.

Ms. Capricorn: Tito Ton-Tonsinabi nyo po ang pangalan ko.

Tito Ton-Ton: Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng Hagod Herbal Tea. Sa bawat hagod sa lalamunan, ang yong pagod ay maliimutan. Sa katunayan, umiinom ako ngayon ng Hagod Herbal Tea. Nako talagang napaka sarap. ahh. saglit lang at makahigop nga. Ahhhh. talagang napakasarap. Samantala, dumako naman tayo sa ating susunod na caller. Isang SG, security guard na nakadestino sa Makati. 42 years old. Si Arnel. Arnel, ano bang atin?

Arnel:Ahh Tito Ton-Ton, nakinig po ako kanina sa inyo. Si..Ms.Capricorn po.

Tito Ton-Ton:Oh, gusto mo ba syang payuhan?

Arnel:Pwede ko po ba makuhang number nya wala po akong girlfriend sir, asawa lang.

Tito Ton-Ton: Alam mo isa ka pa eh.

credits

from Mga Palatandaan ng Pag​-​ibig at Pagsusuka, released November 9, 2014

license

all rights reserved

tags

about

Glen Tiopez Philippines

Glen Tiopez is the lead vocalist and rhythm guitarist for the band The Giliws. He also played for the defunct groups, The Ballad of Glen and Kenna, Piñata and The Eighteens.

contact / help

Contact Glen Tiopez

Streaming and
Download help

Redeem code

Report this track or account

Glen Tiopez recommends:

If you like Glen Tiopez, you may also like: