Ang Pagpupulong

by Glen Tiopez

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $7 USD  or more

     

1.
Di mo pa ba napapansin Mga inda't mga daing Binubulong na palihim Sa Tuwing di ka nakatingin Ang mga tgao sa paligid mo'y nagtitipon Naguusap tungkol sa'yo Ang pagpupulong natin ay tungkol sa paguugali Ng kataas-taasang, Kapita-pitagang ugali Ang bawat hinaing mo at mga sama ng loob Sa kanya ay ilahad mo ngayon..dito Ang nagluwal at nagtanim Sabi'y gahaman ka't sakim Ang nagbungkal at naglimlim Di man lang daw nakatikim Ang mga tao sa paligid mo'y nagdagsaan Baka maubusan ka Anong oras na ba Malapit nang magumpisa Paguusapan ka Lahat ay magkakaisa
2.
Kmsta? 02:49
Kmsta ka anong ginagawa mo ngayon Maari ba kong mapadaan Sa kalye ng iyong parihabang mundo Maaari ka bang mapuntahan Gawin mong ilaw na luntian kulay na abo Di ko nais gambalain Tiwasay mong sitwasyon Nais ko lang sigurong Makapiling ka ngayon Matagal-tagal na rin mula noong Huli kong narinig ang tinig mo Nakalimutan ko na'ang hugis ng iyong Mga ngiting iginiguhit ko Tuwing ang mga titig natin ay nagbubunggo Di ko nais gambalain Tiwasay mong sitwasyon Nais ko lang sigurong Makapiling ka ngayon At kung sakaling pagbigyan Sa akin ay ipaalam Tunay na nararamdaman Salamat. Paalam
3.
4.
Hunyo 04:24
Ilang linggo na kong nagluluksa kalungkutan ko'y di ata mapupuksa pilit kong umiisp ng ibang paksa ngunit ala-ala mo ay laksa-laksa araw ng kalayaan nagdaan anim na buwan nang di natin namamalayan isang araw nagpaalam kang bigla inakalang sandali lang mawawala 'san dosenang awit, dalangin at tula ang pabaon paguwi mo sa lumikha araw ng kalayaan sa mga hindi sumuko ngunit nasawi sa laban ito na ba ang katapusan ng sanlibutan kung tama ang hinala'y handa ba tayo sari-saring mga bagay na di alam sa isa't isay ating natutuklasan pautin-unti ay nagkakaparaan kung papano gibain ang mga hadlang araw ng kalayaan ang bhau mo ba'y kanon't pagpanaw ba'y pakinabang ito na ba ang katapusan ng sanlibutan kung tama ang hinala'y handa ba tayo
5.
HInay-Hinay 03:33
ako'y nagmamatyag tahimik na naglalayag taas-baba sa mga pahinang lahat nakahayag nais ko lang magpahinga ano ba 'tong nakikita daming kurokuro at lahat binabangga ng animo'y mga eksperto kung siala'y magsalita ngunit pangalan at mukha ay di totoo hindi tunay haaay ang dami-dami nang namamatay hindi bumababa ang mga bilang ng bangkay marami ng sablay o hinay hinay maghinay-hinay lang at wag nang maghamon ng away maraming naglalamay ako'y nagmamasid tahimik na sumisisid taas-baba sa mga pahing di napapatid nais ko lang magpalamig may di matikom ang bibig pilit na sinisiksik sa isip ng lahat paniniwalang di tanggap ngunit tama daw at tiyak kung di mo aayunan ay wala ka ng silbi't saysay haaay ang dami-dami nang namamatay hindi bumababa ang mga bilang ng bangkay marami ng sablay o hinay hinay maghinay-hinay lang at wag nang maghamon ng away maraming naglalamay kung ikaw ang totoo e bakit ka nanggugulo
6.
Dinaaan mo ko sa'yong mga salita Mga pangakong binulong at kwentong nilikha Agad akong naniwala Sa sabi mong: "Huwag mabahala" Nakuha mo ako sa'yong pag-aalala Nung mga panahong naghahanap ng alaga Ang sabi mo, kung di na kaya Balikat mo'y papaubaya CHORUS: Bantay-salakay ka pala Di lang bulaan para pang bula Bantay-salakay ka pala Bagay pa man din tayong dalawa Pagtapos mong makuhang 'yong gusto'y bigla kang nawala Dinala mo ko sa'yong lihim na mundo Yun pala'y kasama din ako sa sikreto Agad akong nagtiwala Di pala kita kilala Rep CHORUS Instrumental Rep CHORUS Natutunan ko huwag dapat iaasa Ang ligaya sa iba merong magsasamantala At kung hindi pa handa HIndi naman masamang..mag-isa
7.
malinis ang ating usapan ngunit ang puso ay merong ibang nilalaman nung braso ko ay 'yong hawakan habang sumisilong mula sa buhos ng ulan ayokong pansinin baka hindi naman pala parehong ating nadarama nadarama ko'y nadarama mo nadarama nadarama ko'y nadarama mo kaya siguro dito muna tayo walang pagasa na humupang buhos ng ulan lipad ng isip ko'y matayog maya maya unit-unti kitang inakbnayan ayokong pansinin baka hindi naman pala parehong ating nadarama nadarama ko'y nadarama mo nadarama nadarama ko'y nadarama mo kaya kahit ang medyas ko'y basana may nabubuong harana hinaharang lang ng isip ko paano kung ang ulan'y wala na baka di na to gumana at ikaw ay bumitiw hanggang ngayon'y damdamin mo'y malabo habang akoy hangarin'y di matago e kabado kung barado o dehado syang palaisipan sa mga tula ko wag kang maiilang akoy nadadala't nagmamahal lang (kamown!) walang humpay sayo'y patay tumatawid na ko sa tulay kahit wala ng gabay di alintana kung patay o buhay handa na'ang aking saklay basta ako ay tataya isusugal huling baraha ko malaman lang kung san ako pupwesto dyan sa buhay mo wala naman sigurong masama kung mahalin ako'y subukan mo ahh subukan mo ahh subukan mo
8.
La La Laguna 04:18
tila di ko na nakikita ang bayan ng sampaguita gusto ko nang umuwi hika ang inabot ko sa maynila para ng bus pa-pacita baba boundary naamoy ko na ang samyo pagpasok ng tulay andaming mas higit sayo ngunit hindi sanay kapag nalalayo sayong tabi la la lala laguna ang mga gunita ng kahapon di mo basta matatapon kahit piliting gawin diwa ko ay binibisita ng mga ala-ala kung san ako lumaki bakit di pa ring buong ginagawang tulay ginagawang tulay andaming mas higit sayo ngunit hindi sanay kapag nalalayo sayong tabi la la lala laguna sa may riles ng tren kitangkita ko ang makiling marami na ang narating ngunit dito pa rin nanaising makapiling ka la la lala laguna
9.
panaginip lang noon na ikaw ay makapiling ko para lang anino na bumubuntot sayo at wala kong alam kung anong hakbang ang gagawin kung paano ka magiging akin at naalala ko pa nung hindi tayo mapalagay nung unang beses naghawak ang ating kamay di tayo makakibo at nagpapakiramdaman pagkakataon para umamin di ko na makakalimutan ang tagpong ito isusulat sa kalendaryo paano ba malalaman kung tayo na nga ba tayo na nga ba at hindi rin nagtagal ang ating pagtitingin ay pag nagkadikit ay ayaw nang mahiwalay at sa aking palagay ay higit sa kaibigan na'ang nadarama mo na sa akin merong pagkakataon pag ikaw ay katabi ko na tayong dalawa ay di na maikumpara ang tuwang nadarama ay umaabot sa langit di kaya ikaw na nga ay akin di ko na makakalimutan ang tagpong ito isusulat sa kalendaryo paano ba malalaman kung tayo na nga ba tayo na nga ba
10.
pagmulat ng iyong mga mata paghihirap at dusa na dinanas sa lupa ngayon ay wala na pagtapak sa ginintuang lunsod sasalubong ang tugtog maligayang awit ng habampanahon mayrong kaaliwan sa iyong paglisan dahil sa isang umagang maliwanag at maluwalhati ay makakapiling mo ang yong manunubos at hari ikaw'y nakauwi na hanggang sa muling pagkikita balabal mo'y puting walang bahid nakamit ang pagibig awa't biyaya kahit di karapat-dapat payapa sa'king puso at isip ang pagluha ma'y saglit ikaw'y nasa langit sa habampanahon mayrong kaaliwan sa iyong paglisan dahil sa isang umagang maliwanag at maluwalhati ay makakapiling mo ang yong manunubos at hari ikaw'y nakauwi na hanggang sa muling pagkikita

credits

released July 29, 2021

license

all rights reserved

tags

about

Glen Tiopez Philippines

Glen Tiopez is the lead vocalist and rhythm guitarist for the band The Giliws. He also played for the defunct groups, The Ballad of Glen and Kenna, Piñata and The Eighteens.

contact / help

Contact Glen Tiopez

Streaming and
Download help

Redeem code

Report this album or account

Glen Tiopez recommends:

If you like Glen Tiopez, you may also like: