1. |
Ang Pagpupulong
03:19
|
|||
Di mo pa ba napapansin
Mga inda't mga daing
Binubulong na palihim
Sa Tuwing di ka nakatingin
Ang mga tgao sa paligid mo'y nagtitipon
Naguusap tungkol sa'yo
Ang pagpupulong natin ay tungkol sa paguugali
Ng kataas-taasang, Kapita-pitagang ugali
Ang bawat hinaing mo at mga sama ng loob
Sa kanya ay ilahad mo ngayon..dito
Ang nagluwal at nagtanim
Sabi'y gahaman ka't sakim
Ang nagbungkal at naglimlim
Di man lang daw nakatikim
Ang mga tao sa paligid mo'y nagdagsaan
Baka maubusan ka
Anong oras na ba
Malapit nang magumpisa
Paguusapan ka
Lahat ay magkakaisa
|
||||
2. |
Kmsta?
02:49
|
|||
Kmsta ka anong ginagawa mo ngayon
Maari ba kong mapadaan
Sa kalye ng iyong parihabang mundo
Maaari ka bang mapuntahan
Gawin mong ilaw na luntian kulay na abo
Di ko nais gambalain
Tiwasay mong sitwasyon
Nais ko lang sigurong
Makapiling ka ngayon
Matagal-tagal na rin mula noong
Huli kong narinig ang tinig mo
Nakalimutan ko na'ang hugis ng iyong
Mga ngiting iginiguhit ko
Tuwing ang mga titig natin ay nagbubunggo
Di ko nais gambalain
Tiwasay mong sitwasyon
Nais ko lang sigurong
Makapiling ka ngayon
At kung sakaling pagbigyan
Sa akin ay ipaalam
Tunay na nararamdaman
Salamat.
Paalam
|
||||
3. |
Ikaw Ang Aking Sine
04:40
|
|||
4. |
Hunyo
04:24
|
|||
Ilang linggo na kong nagluluksa
kalungkutan ko'y di ata mapupuksa
pilit kong umiisp ng ibang paksa
ngunit ala-ala mo ay laksa-laksa
araw ng kalayaan
nagdaan anim na buwan nang di natin namamalayan
isang araw nagpaalam kang bigla
inakalang sandali lang mawawala
'san dosenang awit, dalangin at tula
ang pabaon paguwi mo sa lumikha
araw ng kalayaan sa mga hindi sumuko ngunit nasawi sa laban
ito na ba ang katapusan ng sanlibutan
kung tama ang hinala'y handa ba tayo
sari-saring mga bagay na di alam
sa isa't isay ating natutuklasan
pautin-unti ay nagkakaparaan
kung papano gibain ang mga hadlang
araw ng kalayaan ang bhau mo ba'y kanon't pagpanaw ba'y pakinabang
ito na ba ang katapusan ng sanlibutan
kung tama ang hinala'y handa ba tayo
|
||||
5. |
HInay-Hinay
03:33
|
|||
ako'y nagmamatyag
tahimik na naglalayag
taas-baba sa mga pahinang lahat nakahayag
nais ko lang magpahinga
ano ba 'tong nakikita
daming kurokuro
at lahat binabangga
ng animo'y mga eksperto
kung siala'y magsalita
ngunit pangalan at mukha ay
di totoo hindi tunay
haaay ang dami-dami nang namamatay
hindi bumababa ang mga bilang ng bangkay
marami ng sablay o hinay hinay
maghinay-hinay lang
at wag nang maghamon ng away
maraming naglalamay
ako'y nagmamasid
tahimik na sumisisid
taas-baba sa mga pahing di napapatid
nais ko lang magpalamig
may di matikom ang bibig
pilit na sinisiksik sa isip ng lahat
paniniwalang di tanggap ngunit tama daw at tiyak
kung di mo aayunan ay wala ka ng silbi't saysay
haaay ang dami-dami nang namamatay
hindi bumababa ang mga bilang ng bangkay
marami ng sablay o hinay hinay
maghinay-hinay lang
at wag nang maghamon ng away
maraming naglalamay
kung ikaw ang totoo
e bakit ka nanggugulo
|
||||
6. |
Bantay-Salakay
04:41
|
|||
Dinaaan mo ko sa'yong mga salita
Mga pangakong binulong at kwentong nilikha
Agad akong naniwala
Sa sabi mong: "Huwag mabahala"
Nakuha mo ako sa'yong pag-aalala
Nung mga panahong naghahanap ng alaga
Ang sabi mo, kung di na kaya
Balikat mo'y papaubaya
CHORUS:
Bantay-salakay ka pala
Di lang bulaan para pang bula
Bantay-salakay ka pala
Bagay pa man din tayong dalawa
Pagtapos mong makuhang 'yong gusto'y bigla kang nawala
Dinala mo ko sa'yong lihim na mundo
Yun pala'y kasama din ako sa sikreto
Agad akong nagtiwala
Di pala kita kilala
Rep CHORUS
Instrumental
Rep CHORUS
Natutunan ko huwag dapat iaasa
Ang ligaya sa iba merong magsasamantala
At kung hindi pa handa
HIndi naman masamang..mag-isa
|
||||
7. |
||||
malinis ang ating usapan
ngunit ang puso ay merong ibang nilalaman
nung braso ko ay 'yong hawakan
habang sumisilong mula sa buhos ng ulan
ayokong pansinin
baka hindi naman pala parehong ating
nadarama
nadarama ko'y
nadarama mo
nadarama
nadarama ko'y
nadarama mo kaya
siguro dito muna tayo
walang pagasa na humupang buhos ng ulan
lipad ng isip ko'y matayog
maya maya unit-unti kitang inakbnayan
ayokong pansinin
baka hindi naman pala parehong ating
nadarama
nadarama ko'y
nadarama mo
nadarama
nadarama ko'y
nadarama mo kaya
kahit ang medyas ko'y basana
may nabubuong harana
hinaharang lang ng isip ko
paano kung ang ulan'y wala na
baka di na to gumana
at ikaw ay bumitiw
hanggang ngayon'y damdamin mo'y malabo
habang akoy hangarin'y di matago
e kabado kung barado o dehado
syang palaisipan sa mga tula ko
wag kang maiilang akoy nadadala't nagmamahal lang (kamown!)
walang humpay sayo'y patay
tumatawid na ko sa tulay
kahit wala ng gabay di alintana kung patay o buhay
handa na'ang aking saklay
basta ako ay tataya isusugal huling baraha ko malaman lang kung san ako
pupwesto dyan sa buhay mo wala naman sigurong masama kung mahalin ako'y subukan mo
ahh
subukan mo
ahh
subukan mo
|
||||
8. |
La La Laguna
04:18
|
|||
tila di ko na nakikita
ang bayan ng sampaguita
gusto ko nang umuwi
hika ang inabot ko sa maynila
para ng bus pa-pacita
baba boundary
naamoy ko na ang samyo
pagpasok ng tulay
andaming mas higit sayo
ngunit hindi sanay kapag nalalayo sayong tabi
la la lala laguna
ang mga gunita ng kahapon
di mo basta matatapon
kahit piliting gawin
diwa ko ay binibisita
ng mga ala-ala
kung san ako lumaki
bakit di pa ring buong ginagawang tulay
ginagawang tulay
andaming mas higit sayo
ngunit hindi sanay kapag nalalayo sayong tabi
la la lala laguna
sa may riles ng tren
kitangkita ko ang makiling
marami na ang narating
ngunit dito pa rin nanaising makapiling ka
la la lala laguna
|
||||
9. |
Tayo Na Nga BA?
02:52
|
|||
panaginip lang noon
na ikaw ay makapiling ko
para lang anino na bumubuntot sayo
at wala kong alam kung anong hakbang ang gagawin kung paano ka magiging akin
at naalala ko pa nung hindi tayo mapalagay
nung unang beses naghawak ang ating kamay
di tayo makakibo at nagpapakiramdaman pagkakataon para umamin
di ko na makakalimutan ang tagpong ito
isusulat sa kalendaryo
paano ba malalaman kung tayo na nga ba
tayo na nga ba
at hindi rin nagtagal
ang ating pagtitingin ay pag nagkadikit ay ayaw nang mahiwalay
at sa aking palagay ay higit sa kaibigan na'ang nadarama mo na sa akin
merong pagkakataon
pag ikaw ay katabi ko na tayong dalawa ay di na maikumpara
ang tuwang nadarama ay umaabot sa langit
di kaya ikaw na nga ay akin
di ko na makakalimutan ang tagpong ito
isusulat sa kalendaryo
paano ba malalaman kung tayo na nga ba
tayo na nga ba
|
||||
10. |
||||
pagmulat ng iyong mga mata
paghihirap at dusa
na dinanas sa lupa
ngayon ay wala na
pagtapak sa ginintuang lunsod
sasalubong ang tugtog
maligayang awit ng habampanahon
mayrong kaaliwan sa iyong paglisan dahil
sa isang umagang maliwanag at maluwalhati
ay makakapiling mo ang yong manunubos at hari
ikaw'y nakauwi na
hanggang sa muling pagkikita
balabal mo'y puting walang bahid
nakamit ang pagibig
awa't biyaya kahit di karapat-dapat
payapa sa'king puso at isip
ang pagluha ma'y saglit
ikaw'y nasa langit sa habampanahon
mayrong kaaliwan sa iyong paglisan dahil
sa isang umagang maliwanag at maluwalhati
ay makakapiling mo ang yong manunubos at hari
ikaw'y nakauwi na
hanggang sa muling pagkikita
|
Glen Tiopez Philippines
Glen Tiopez is the lead vocalist and rhythm guitarist for the band The Giliws. He also played for the defunct groups, The Ballad of Glen and Kenna, Piñata and The Eighteens.
Streaming and Download help
Glen Tiopez recommends:
If you like Glen Tiopez, you may also like:
Bandcamp Daily your guide to the world of Bandcamp