Post Modern Kundiman

by Glen Tiopez

/
  • Streaming + Download

    Download the whole album and get a bonus track
    Purchasable with gift card

     

1.
Tasty at Keso Gatas at Milo Sabi mo ganyan tayo Aso at pusa Langit lupa Ungguy-ungguyan Mataya-taya Nanay Tatay gusto ko tinapay Tagu-taguan maliwanag ang buwan Patintero Moro moro 10-20 1 by 1 Jolen teks kalog tansan Monkey Monkey Anabel Concentration concentration now begin Truth or Consequence She loves me, she loves me not Saksak puso tulo ang dugo Apir disapir Bato bato pix Dr. Kwak kwak Luksong tinik Crocodile crocodile she wakwak Tell me the name of your sweetheart F.L.A.M.E.S. P.A.N.T.S. Piko sumpit Bahay-bahayan 3 o'clock habit Maiba taya marami alis Kung sino mahuli may tae sa puwet Truth or consequence She loves me she loves me not Saksak puso tulo ang dugo
2.
BMPD 04:12
Na-late nang gumising ayokong mag-cramming Alarm ko sa phone ay di nag-ring Nagcheck pa ng Twitter, ng Instagram, Tumblr Nagstatus pa ng "Good Morning World" Ayokong isipin buhay ko'y isang routine Langit ko'y laging makulimlim Tricycle, bus, jeep may bottleneck traffic Sa service at express road Skyway Nag-overpriced taxi para iwas tardy Palaging ganto kapag Monday Ayokong isipin buhay ko'y isang routine Binibining Manic Pixie Dream Itakas mo ko dito hija kunin mo ngayon Mula sa melancholy life at boring kong kahon Sa aking pantaha Pag nasa'yong piling Di na ko luluha O Manic Pixie Dream 5 O'clock sakto labas sa trabaho Aabutin na ng rush hour Siksikang sardinas sa ordinary bus Wish I had one of those fancy cars Ayokong isipin buhay ko'y isang routine Binibining Manic Pixie Dream Itakas mo ko dito hija kunin mo ngayon Nabighani ba ko sa tunay o ilusyon Sa aking pantaha Sa iyong piling Di na ko luluha O Binibining Manic Pixie Dream Itakas mo ko dito hija kunin mo ngayon Iligtas mo ko sa mapait kong kahapon Sa aking pantaha Kung nasa yong piling Di na ko luluha O Binibining Manic Pixie Dream
3.
JS 02:36
Na-shine ko na ang sapatos ko Nahigpitan ko na ang sintas Double time ang tibok ng puso Magsisimula na ang palabas Tulo pawis punas Nakapagspray na ng pabango Buhok nakasuklay pataas Bagay ba ang kurbata ko Baka takong nya ay mataas Cotillion, Swing, Waltz, Jazz Matagal ko nang panaginip na maisayaw kita Pagbigyan mo ko sana giliw tayong dalawa sinta Kumpleto ba ang botones ko Nabitbit ko ba ang bulaklak Kagabi pa ko nagensayo Ng salitang mabubulaklak Butterflies sa stomach Meron na kong nakausap Pagtayo na ay nagsayaw Na sa'tin ay magkokodak Camera nya ay malinaw The promenade starts now Matagal ka bago bitawan ng guwapong kaibigan ko Kala ko'y wala na syang balak na lumubay sa iyo Sa wakas ay naawat na Maisasayaw na kita Ngunit bago magumpisa Sabi mo'y isang kanta lang dahil pagod na ang iyong paa
4.
Aurora Blues 05:45
Pauwi na ako galing Makati Ang lakas ng ulan ginagatungan ang lungkot at pagod ko Madalas ay nadaramang parati ang mga pagbabago sa paligid ko'y hindi humihinto Ang mga gusali't puno Ang mga ugali't luho Ang dati mong tahanan kailangan ding gumuho Ang pagtanaw sa bintana ay malayo Ang patak ng ulan at Ilaw sa daan basag ni litrato Bagay na inakalang sigurado Pagdating ng ulan dating malinaw ay biglang lumalabo Tanggap na naman kaso Hindi lang alam papano Masasaid sa isip ko Kung lagi kang papasok Kamusta na dati kong prinsesa Ngayoy buhay reyna ka na daw lahat ng nais ay iyong nakukuha Nadaanan ko ang mga kalsadang Dati nating nilakaran at iniwanan ng alaala Sayang naman tayo Bigla ka na nalang nagbago Ang paglimot sa iyo ay isang mahabang proseso Ilang buwan ng pahataw-hataw May mga pagkakataong akala ko ay ayos ng lahat Ngunit pagpatay na ang mga ilaw Ang niligpit kong puso at isipan ay biglang magkakalat Kailan ba matututo Gutay-gutay kong puso Kung tunay ang pag-big di agarang maglalaho Ngayon'y pinapalagay ko ang sarili Kahit anong aking simulan'y sayo lang din nauuwi Masyado na yatang nawiwili Teka bababa na'ko Bayan na ng San Pedro Aurora Aurora Aurora Aurora
5.
Tulungan mo kong sagipin Ang ating bangkang palubog Malimit tayong yanigin Ng mga kidlat at kulog Samahan mo kong magsagwan Nang tayo ay mapadali Na makarating ng pampang Bago ang lahat ay mahuli Koro: Sabay tayong naglayag Sinuong ang mundo Sa lungkot at sa galak Damayan mo ako Sa ating bangka Sa ating bangka Tulungan mo kong tagpian Mga sugat na natamo Sa pakikipagsapalaran Sa dagat na puro tukso Samahan mo kong magdasal Habang hangn'y bumabayo Puso man natin.y magpagal Mararating din ang dulo
6.
Minsan tayo ay naging larawan Ng isang walang kahambing na rikit Ngunit ngayon kapag tinatanong ka sakin Ang aking tugon ay ngiting mapait DI naman pwedeng ipilit ligalig man aking isip Alam kong may mga kalat ka ding nililigpit Masakit Digmaan at Pag-ibig May mga nais akong sabihin ngunit piniling itikom ang bibig Mas maigi kung magagandang alaala mo ang bibisita tuwing pumipikit DI naman pwedeng ipilit ligalig man aking isip Magbalik ang dating init di ko na sinisilip Masakit Digmaan at Pag-ibig
7.
Hulyo 04:12
Papano kita makukumbinsi Kung ako ay galing sa digmaang ako ang sawi Nagpumilit bumangon kahit sugatan at Sumubok muli kung titibok pa ba ang puso ko Nung nakita ka'y di maitanggi Inakalang kalagayan ko na wala ng silbi Sa pagkabigo ay nawalan ng saysay At eto kong muli tumitibok na yatang puso ko Sa'yo Mga mapait na gabing niluha ko'y pinalitan mo ng awiting matamis Sa'yo'y handang patunayang noon ay wala na Naghilom na ang kahapon Puso'y iibig muli Sa'king tag ulan ay merong ngiti Madilim man sa labas ikaw ay nagniningning At ang pagkulimlim ay walang nagawa sa tuwa mong hatid Bawat tibok ng puso kong ito'y..
8.
Far From Me 03:54
Time is testing my patience keeping my fingers crossed Now without your existence everything seems so lost In my dreams I know just how to bring you back But every time I cross the line of waking life I keep forgetting how Chorus: You're so far from me It ain't easy You're so far from me It ain't easy Wishing days could be skipped to bypass this waiting game Now without you here near me everything's not the same In my dreams you never left you stayed with me But every time I cross the line of waking life reality sinks in Wishing that I could find a way to get back home Wishing there was a way to make sure you're not alone I know time has never been quite on our side But know I got you on my mind all the time No matter where I'm at worldwide
9.
Anneks 03:53
Wag matakot aabot saklaw ng aking pagibig sayo kajit gano kalayo ikaw lamang ang makasasalo Kung maraming nagsasabing Di tatagal bibigay din Wag padala sino sila At ano ba ang nalalaman nila Kung maraming kumukontra Sinasabing Di uubra Wag mangamba tayo'y iba At di pwedeng sa iba ikumpara Wag matakot aabot saklaw ng aking pagibig sayo kajit gano kalayo ikaw lamang ang makasasalo Sa isip ay ilagay tayong dalwa ay di mabibigo Habambuhay ikaw ay bihag ko at ako ay bihag mo Kung maraming nagtatangkang Manghimasok mangialam Parang dingding angkanilang Binabangga madami ng tumumba Malayo man o malapit Puso natiy magkakapit ang distansya'y di kilala Sa may tunay na pagibih na taglay Di nagbago Di nagmaliw Di lumabo Di bumitiw Di pumanglaw Di nagkulang Di umayaw Di tumabang di gumuho Di tinaggi Di natalo Di nagapi Di nag iba Di nagiba Di humina Di tumila Di nanlamig Di tumumba Di Pumait Di dumapa Di di kumupas Di lumipas At patuloy walang wakas
10.
Pagkatapos ng araw, pagusapan natin ang mga nangyari Nagi-ipon ako ng mga masasabi Ku'nan ng larawan ang ating sarili Hmmmm Pag inagaw na ng dapat hapon ang sikat ng araw Huwag ka munang magpaalam at gugunaw Ang ligaya ko ngayong naguumapaw Hmmmm Sigurado akong ayaw mo pa din naman umuwi Kahit pilit mo saking ikubli Binibenta ka ng 'yong pag-ngiti May iniwan ka pa ngang ebidensyang nakkalat sa'king mga pisngi Pagkatapos ng araw ay naguumpisa nang ating kwentuhan Tungkol sa oras na di napagsaluhan Samantalahin ang pangkasalukuyan Sumusulat bawat salitang iyong binibitawan Sa tala-arawan ko sa'king isipan Bawat pangungusap mo ay kayamanan Hmmmm Sigurado akong ayaw mo pa din naman umuwi Kahit pilit mo saking ikubli Binibenta ka ng 'yong pag-ngiti May iniwan ka pa ngang ebidensyang nakkalat sa'king mga pisngi Pagkatapos ng araw pipiliting sana'y may kapangyarihan Nang daliri ng relo ay mapigilan Makapiling lang kita ng matagalan Hmmmm
11.
Pilipinas 05:12
Huwag ka munang magtiwala sa iyong nararamdaman Masyado pa tayong bata baka lamang masaktan yan ang sabi nila Di lubos maunuwaan bakit maraming hadlang Hindi nila nalalaman lalo lang pinaglalaban natin ang pagsinta Chorus: Ngayon kunin mo ang aking kamay Pareho man tayong dalawang di sanay Pwede bang huwag ka sa'king hihiwalay Kahit na ano pa ang gawin nila sa'tin Huwag kang papayag na malayo ka sa akin Dito ka lang Ako ay nainiwala sa'ting nararamdman Sinong nagsabing hindi pa natin naiintindihan iyon ang akala nila Saksi pa ngang mga tala at nadinig din ng lupa Lihim ng ating mga puso init ng ating pagsinta Sa ating paghinga Chorus: Ngayon kunin mo ang aking kamay Pareho man tayong dalawang di sanay Pwede bang huwag ka sa'king hihiwalay Kahit na ano pa ang gawin nila sa'tin Huwag kang papayag na malayo ka sa akin Dito ka lang Coda: Sa Pilipinas
12.
Dear Abigail 04:21
Dear Abigail I'm afraid of changes I'm no good with goodbyes There are unfamiliar faces around I don't wanna cry Baby be home soon Dear Abigail my Sunday evenings have been incomplete I tried but I failed to be happy thinking life could still be sweet without you Without you There are little things that I'm afraid of When I return it might not be the same love I will be home soon I hate when I drive down to the city there is an empty seat I fail when I try to believe you're with me my heart cannot be tricked I miss you, I miss you There are little things that I'm afraid of When I return it might not be the same love I will be home soon Bridge: Please don't be long Please don't you be very long Please don't be long Please don't you be very long Coda: I'm afraid of changes I'm no good with goodbyes There are unfamiliar faces around I don't wanna cry Baby be home soon Just because I'm far away Doesn't mean I'm gonna change Just be patient with me babe Papaparapa
13.
Kung akala mong ako ay tumahimik na Meron pa akong pahuling salita Mahirap kang titigan at sabihan ng paalam Habng ikaw'y mas lalong gumaganda Gustuhin ko mang ikaw ay manatili At piliting huwag kang magbabago Di ko nais pagkait ang mas pinili mong landas na gusto mo'y wala ko At ang mga yakap kong dating hinahanao mo ngayon'y hadlang sa'yo Chorus: K ailangan kong sabihing E eto na ang huling kanta N a maririnig mo sa'kin N A ikaw ay sinisinta A t di na papaalipin sa kahapon na'ting dalawa O kay hirap mang limutin Ngunit heto ng umpisa Gustuhin ko mang ikaw ay makapiling Habangbuhay sa'yong pagmamahal Ikaw ang ilaw at ako ang haligi Pag tayong dalawa ay kinasal Ngunit tahanang pinagarap Bigla lang mawawasak Nung iwan mo ako Chorus: K ailangan kong sabihing E to na ang huling kanta N a maririnig mo sa'kin N A ikaw ay sinisinta A t di na papaalipin sa kahapon na'ting dalawa O kay hirap mang limutin Ngunit heto ng umpisa Giliw makinig ka sa'kin Heto na ang huling kanta Sa iyo ay sasabihin Labis kong iniibig ka Nais man kitang hagkan at yakapin Ngunit di na magagawa Di ko nais na ikaw ay limutin Ngunit PAALAM NA

about

Post Modern Kundiman is a tribute to a love that once lived, was shared and died and rumored that became a ghost and still comes back every now and then.

credits

released December 28, 2012

Guest Artists:

CJ De Silva
Camille Barrientos
Micah Mabalot
Yeye Salonga
Kurt Andrei Salonga
Kurt Andrew Salonga
Mark Brian Santos

Special thanks to:

Elvin Valerio for the album title
NIkka Ampil for the album art

license

all rights reserved

tags

about

Glen Tiopez Philippines

Glen Tiopez is the lead vocalist and rhythm guitarist for the band The Giliws. He also played for the defunct groups, The Ballad of Glen and Kenna, Piñata and The Eighteens.

contact / help

Contact Glen Tiopez

Streaming and
Download help

Redeem code

Report this album or account

Glen Tiopez recommends:

If you like Glen Tiopez, you may also like: