1. |
Midnight Radio
04:58
|
|
||
Tito Ton-Ton: Oras sa buong kapuluan ay alas dose impunto ng hatinggabi. Magandang madaling araw po sa ating mga giliw na tagapakinig ako po si Tito TonTon. Kayo po ay nakikinig sa Midnight Radio. Ang inyong kaulayaw sa madaling araw. Ngayong gabi ay matutunghyan po natin ang iba't ibang storya ng ating mga callers at kanilang mga problema at kung papano natin mabibigyang linaw at mapapayuhan ng karampatang sulusyon. Pero bago natin makalimutan ang ating programa ay hatid sa inyo ng Haplos Ointment, "ginhawa sa bawat haplos, lamig sa likod ay tapos'. Haplos Ointment, mabibili sa inyong mga suking drugstore. Samantala makinig po muna tayo ng isang awit para sa mga kasama nating nakikipagpuyatan, Magandaang madalling araw po sa inyong lahat, huwag po kayong tutulog tulog sa trabaho. Para po sa inyo itong awit na ito. DJ take it away..
Tito Ton-Ton: Sa ating mga giliw na tagapakinig maging kayo man ay truck driver, taxi driver, security guard, kasambahay o kahit sinomang gising pa, nais pong ipagbagay alam ng Midnght Radio na bukas na po ang linya ng ating telepono. Para po sa ating unang caller sya po ay gustong magtago sa pangalang Ms. Capricorn nagmula sa Meycauayan Bulacan. Ms. Capricorn magandang madaling araw po sa inyo ano po ang maipaglilingkod natin?
Ms. Capricorn: Magandang Madaling araw po Tito TonTon. Ang problema ko po, yung MVP sa interbaranggay liga dito, nanliligaw po sa'kin. Problema po may girfriend sya na taga callcenter pero bihira naman daw po sila magkita eh. Gusto ko po sya kaya bnireak ko po yung boyfriend ko.Ano pong gagawin ko?
Tito Ton-Ton: Nako Ms.Capricorn bago ko sagutin yan, makinig muna tayo ng patalastas.
Tito Ton-Ton: Tayo po'y nagbabalik para payuhan si Ms. Capricorn, nakipaghiwalay sa kanyang giliw para magbigay daan sa MVP ng kanilang baranggay na di umano'y meron namang giliw din. Ms. Capricorn, tama po ba?
Ms. Capricorn: Opo Tito Ton-Ton, eeh hihiwalayan din naman daw po nya eh. Pero di pa ngayon. Kaya nga pag lumalabas kami laging patago eh. Wala daw dapat makaalam.
Tito Ton-Ton: Ms. Capricorn, ayoko mang sabihin sa'yo to pero paprangkahin na kita. Hwag kang tatanga-tanga. Kapag nakuha na nyan ang gusto nya eh iiwanan ka na din nyan.
Ms. Capricorn: Pero mahal ko po sya eh, mahal din daw po nya ko.
Tito Ton-Ton: Makinig ka sa'kin. niloloko ka lang tong lalakeng to. Nagpapaloko ka naman.
Ms. Capricorn: Eh hihiwalayan din daw po nya girfriend nya eh.
Tito Ton-Ton: Josie, makinig ka sakin.
Ms. Capricorn: Tito Ton-Tonsinabi nyo po ang pangalan ko.
Tito Ton-Ton: Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng Hagod Herbal Tea. Sa bawat hagod sa lalamunan, ang yong pagod ay maliimutan. Sa katunayan, umiinom ako ngayon ng Hagod Herbal Tea. Nako talagang napaka sarap. ahh. saglit lang at makahigop nga. Ahhhh. talagang napakasarap. Samantala, dumako naman tayo sa ating susunod na caller. Isang SG, security guard na nakadestino sa Makati. 42 years old. Si Arnel. Arnel, ano bang atin?
Arnel:Ahh Tito Ton-Ton, nakinig po ako kanina sa inyo. Si..Ms.Capricorn po.
Tito Ton-Ton:Oh, gusto mo ba syang payuhan?
Arnel:Pwede ko po ba makuhang number nya wala po akong girlfriend sir, asawa lang.
Tito Ton-Ton: Alam mo isa ka pa eh.
|
||||
2. |
Ah Ok
03:47
|
|
||
Kahit pilit kong maging tunog romantiko
Pag-salang ko sayo'y magmumukha kong desperado
Init ng pagsuyo kong kinagiliwan mo
Ang dating lumalagablab di na tumatalab
Ayokong idamay ang araw mo
Sa twing di ko mapigil tumawid sa'king hangganan
At kung sakaling storbo ang kahibangang ito
Huwag mabahala bukas din ang puso ko'y tatahan
Ganto lang talaga ko minsan
Wag na lang masyadong papatulan
Kung magambala man kita
Wag mo na lamang intindihin
Ayokong masira ang araw mo
Katulad ng tiwalang pinagkaloob mo sakin
Patawarin mo ko kung umabot mga kalat ko sa bakauran mo
Nasasabik ko lang siguro
Pagsinta mo't kung paano mo ko no'n tinuring
O minsan
Turuan mo naman ako kung pano mo nakalimutan kagad
Kung panong kay dali-dali mo lamang binasura
Lahat ng mga gintong gunitang di mawala sakin
Sayo'y parang bula lamang ang ating ala-ala
Lumalala na
|
||||
3. |
|
|||
Kung alam mo lang kinakalaban ko ang puso at isipan twing dinadalaw ako ng alaala mong inimbag sa'king kasayasayan
Kung alam mo lng kinakalikot ko ang sugat mong iniwan twing binibisita ko ang mga lumang sulat mong nagsasabing walang hanggan
Nasan na nga ba 'yon
Mga pangakong kinapitan ko
Sayang ang panahong
Pinaglaban kong itakas ka
Sa bakuran na nagbawal sa iyong magmahal
At nung nabuksan ko ang pinto di ba't walang kasing tamis
Kahit saglit at kay tamis lang ng ating
Pagkakataong tayo'y lumago
Ngunit ikaw ay umalis at doon na nagsimula ang hinagpis
Kung alam mo lang kinakausap kong sarili't sinasabing ayos lang Makakayanan din ang hirap ng katotohanan na wala ka na
Di rin magtatagal
Meron ding papalit sa pwesto mo
Sakin'y magmamahal
At pakatatandaan mo ito
Di ka namakakahanap ng katulad ko
|
||||
4. |
Natapos Na Ang Tag-Ulan
03:47
|
|
||
Natapos na ang tag-ulan
Nagaabang na ng araw
Wala pa bang masaakyan
Sorbetes ko ay natutunaw
Ipagdiriwang ko ang aking tagumpay na mag-isa
Ilang gabi't araw akong nalulumbay nung lumisan ka
Malamig na digmaan
Libingan ng pag-ibig
Alaalang pinaslang
Barilan ng tahimik
Madali lang sana kong magwawagi kung nandyan ka
Ang nangyari ay ikaw pa ang s'yang katunaggali't nakabangga
Kung maari ko lang malaman ang laman ng iyong damdamin
Nagdalamahati ka din kaya o hinipan lamang ng hangin
Natapos na ang tag-ulan
Pudpod nang aking lapis
Tapos na din ang kabanatang:
"Ikaw pa din ang nais"
Halos lahat ng awit na sinulat ko'y may ihi mo
Umaasang merong maisulat na bagong yugto
Kung maari ko lang malaman ang laman ng iypng damdamin
Nagdalamahati ka din kaya o hinipan lamang ng hangin
Ang sindi ngkandilang binalik ko sa'yo
Samantalang di mabilang ang patak kong sinalo
Lalalalala
|
||||
5. |
Subukan Lang Natin
04:11
|
|
||
Hawakan mo ako subukan lang natin
Kung san tayo pwedeng dalhin ng ating mga puso
Anong madarama pag hawak na kita
Laging pinapangarap ngunit di magawa
Subukan lang kaya natin sinta papayagan ba
Baka sakaling marinig natin ang awit ng mga anghel sa langit
O baka naman madagdagan ang kulay na mamamasdan natin ang bahaghari
Yan ay kung saka-sakaling..
Laging iniensayo pag gabi nakasama ka
Na para bang eksena tayo sa pelikula
Lahat ng linya'y saulado sasabihin'y kabisado ngunit pag sa totoo ang tapang ko ay nagalaho giliw ko
Di mo lang alam ang bigat na pinapasan
Tuwing pumapasok sa isip kong katotohanan
Ang puso mo ay di ako ang nilalaman
Ngunit mapapawing lahat at gagaan ang bigat kung ako'y mapagbibigyan mo
Naglalaro sa isip ko ang mga pwedeng mangyari
Kung sakaling akin ka
Wala kong tiwala sa tadhana
Bakit hindi sumasagi sa isip mong subukan ito
|
||||
6. |
Habangbuhay
04:24
|
|
||
Kahit pilit mang pigilin bumigay sa'yo
Puso'y ayaw paalipin ngunit nabihag mo
Yan ang hirap nang nasanay na ikaw ay laging nasa tabi
Kahit na minsan ka lang mawalay ay hindi na mapakali
Papangalanan na ba
Ng "pag-ibig" ang nadarama
Puso ba'y meron pang pangamba
Basta't alam ko lang ayaw na kitang mawala
Maaari bang pang habangbuhay ka na
Aking puso ay sinuri kung handa na ba
O kailangan lang kita dahil sa nag-iisa
Nung lumaon ay napansin kong ikaw nang nagiging dahilan
Ng lungkot dahil wala ka at saya pagkat ikaw'y nariyan
Papangalanan na ba
Ang tambalan nating dalawa
Puso ba'y meron pang pangamba
Basta't alam ko lang ayaw na kitang mawala
|
||||
7. |
Ikaw Ang Aking Tahanan
03:48
|
|
||
Isang mahabang pila
Ako'y nasasabik na
Di alintana ang aking mga buhat at hila
Ako'y papauwi na
Gusto ka nang makita
Di makahimbing hangga't ang ulo'y di pumaparada
Sa iyong balikat at ang labi mo'y lumapat sa akin
Lambingan sa telepono't ngiti sa larawan
Sinong magsasabi na ako ikaw'y nakukontento dyan
Init ay wala kung di ka nahahawakan
Ilang sandali na lang ang braso ko ay dadagitan
Ang iyong balikat at ang labi mo'y lumapat sa akin
Di mapakali hanggat wala sa'yong piling
Ikaw ang aking tahanan
Liham mong sinulat sa likod ng larawan
lumbay man ay napwi ngunit eto ay panandalian lang
Init ay wala kung di ka nahahawakan
Ilang sandali na lang ang braso ko ay dadagitan
|
||||
8. |
Gray
04:08
|
|
||
Don't mind my hands if they're shaking
Ignore my voice if its breaking
Darling I'll let you go
Don't worry soon I'll be fine
This pain will die in no time
But darling I'll miss you so
I won't deny I knew this time would come
But I kept on believing that the love that we once shared
Will bring you back to me on an orange colored day
But all's gray
Don't mind my walls if they're shaking
Ignore my heart if its breaking
I'm trying but they still show
Would you regret this someday
Be wishing that you should have just stayed
My darling I'll never know
Fireworks in the sky
It's a celebration
Even though I'm bleeding
I know that I'm winning
|
||||
9. |
Hindi Naman Mahalaga
03:45
|
|
||
Ang pagdating mo ay hudyat sa paghinto
At mga isiping hindi naman ginto
Handa na ba kong magmahal
May sugat man ay hindi nagatabuli
Nung una man'y sawi ay tumayang muli
Tuloy pa rin sa pagpidal
Nung nasakta'y namulat
Tinanggap ang nawala't umusad na
Palibutan mo ko ng ng mga halik
Kalmahin mo ang kulo sa'king dibdib
Pait na rumaragasa
Mga palatandaan ng pagibig
At pagsusuka heto't maririnig
Sa puso kong tumutula
Ang multo ng kahapon
Bumalik man't mangulo'y matapang na
At habang tumatagal natuto nang magtanggal
Ng mga pabigat na hindi naman mahalaga
Minsan'y tumatabang wag nang lalahukan
Ng mga sangkap na hindi naman mahalaga
Nung nasakta'y namulat
Tinanggap ang nawala't umusad na
At habang tumatagal natuto nang magtanggal
Ng mga pabigat na hindi naman mahalaga
Habang tumatanda natutp ng maghanda
Kung may mawawala tinuring mo mang mahalaga
|
||||
10. |
Valentine's Eve
02:55
|
|
||
Meet me on a Valentine's Eve
Though I know I can't give
Everything that you need that night
The attention you consistently long
Turn it into a song
I promise to bring you home on time
This song is an open invitation to you
Let's celebrate in advance
How long we'll we be staying in this shade of blue
Let's go give ourselves a chance
Meet me on a Valentine's Eve
Long roads road trips
Though the next day it ain't or us
We've been lonely for a number of weeks
And it's making us weak
Loneliness can be dangerous
Meet me on a Valentine's Eve
Let's raise our drinks
To the lovers who long for love
We've been feeling melancholy for weeks
And it's making us sick
It cannot be always like this
|
||||
11. |
Hele
02:47
|
|
||
Wag mo sanang pagdamot sa'kin kwento ng iyong kasaysayan tatanggapin ang nakaraan mo ng buong puso tulad sa pagyakap mo sa kahapon kong bigo. Di ako maglilihim sa'yo. Tayo ang magtatago ng mga sikreto. Pabayaan natin ang buong mundo tuklasin ang misteryo. Saradong ating libro.
Hindi magagasgas pag-ibig na wagas. Tayo ay walang wakas.
|
Glen Tiopez Philippines
Glen Tiopez is the lead vocalist and rhythm guitarist for the band The Giliws. He also played for the defunct groups, The Ballad of Glen and Kenna, Piñata and The Eighteens.
Streaming and Download help
Glen Tiopez recommends:
If you like Glen Tiopez, you may also like:
Bandcamp Daily your guide to the world of Bandcamp