We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Mga Palatandaan ng Pag​-​ibig at Pagsusuka

by Glen Tiopez

/
  • Streaming + Download

    Purchasable with gift card

     

1.
Tito Ton-Ton: Oras sa buong kapuluan ay alas dose impunto ng hatinggabi. Magandang madaling araw po sa ating mga giliw na tagapakinig ako po si Tito TonTon. Kayo po ay nakikinig sa Midnight Radio. Ang inyong kaulayaw sa madaling araw. Ngayong gabi ay matutunghyan po natin ang iba't ibang storya ng ating mga callers at kanilang mga problema at kung papano natin mabibigyang linaw at mapapayuhan ng karampatang sulusyon. Pero bago natin makalimutan ang ating programa ay hatid sa inyo ng Haplos Ointment, "ginhawa sa bawat haplos, lamig sa likod ay tapos'. Haplos Ointment, mabibili sa inyong mga suking drugstore. Samantala makinig po muna tayo ng isang awit para sa mga kasama nating nakikipagpuyatan, Magandaang madalling araw po sa inyong lahat, huwag po kayong tutulog tulog sa trabaho. Para po sa inyo itong awit na ito. DJ take it away.. Tito Ton-Ton: Sa ating mga giliw na tagapakinig maging kayo man ay truck driver, taxi driver, security guard, kasambahay o kahit sinomang gising pa, nais pong ipagbagay alam ng Midnght Radio na bukas na po ang linya ng ating telepono. Para po sa ating unang caller sya po ay gustong magtago sa pangalang Ms. Capricorn nagmula sa Meycauayan Bulacan. Ms. Capricorn magandang madaling araw po sa inyo ano po ang maipaglilingkod natin? Ms. Capricorn: Magandang Madaling araw po Tito TonTon. Ang problema ko po, yung MVP sa interbaranggay liga dito, nanliligaw po sa'kin. Problema po may girfriend sya na taga callcenter pero bihira naman daw po sila magkita eh. Gusto ko po sya kaya bnireak ko po yung boyfriend ko.Ano pong gagawin ko? Tito Ton-Ton: Nako Ms.Capricorn bago ko sagutin yan, makinig muna tayo ng patalastas. Tito Ton-Ton: Tayo po'y nagbabalik para payuhan si Ms. Capricorn, nakipaghiwalay sa kanyang giliw para magbigay daan sa MVP ng kanilang baranggay na di umano'y meron namang giliw din. Ms. Capricorn, tama po ba? Ms. Capricorn: Opo Tito Ton-Ton, eeh hihiwalayan din naman daw po nya eh. Pero di pa ngayon. Kaya nga pag lumalabas kami laging patago eh. Wala daw dapat makaalam. Tito Ton-Ton: Ms. Capricorn, ayoko mang sabihin sa'yo to pero paprangkahin na kita. Hwag kang tatanga-tanga. Kapag nakuha na nyan ang gusto nya eh iiwanan ka na din nyan. Ms. Capricorn: Pero mahal ko po sya eh, mahal din daw po nya ko. Tito Ton-Ton: Makinig ka sa'kin. niloloko ka lang tong lalakeng to. Nagpapaloko ka naman. Ms. Capricorn: Eh hihiwalayan din daw po nya girfriend nya eh. Tito Ton-Ton: Josie, makinig ka sakin. Ms. Capricorn: Tito Ton-Tonsinabi nyo po ang pangalan ko. Tito Ton-Ton: Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng Hagod Herbal Tea. Sa bawat hagod sa lalamunan, ang yong pagod ay maliimutan. Sa katunayan, umiinom ako ngayon ng Hagod Herbal Tea. Nako talagang napaka sarap. ahh. saglit lang at makahigop nga. Ahhhh. talagang napakasarap. Samantala, dumako naman tayo sa ating susunod na caller. Isang SG, security guard na nakadestino sa Makati. 42 years old. Si Arnel. Arnel, ano bang atin? Arnel:Ahh Tito Ton-Ton, nakinig po ako kanina sa inyo. Si..Ms.Capricorn po. Tito Ton-Ton:Oh, gusto mo ba syang payuhan? Arnel:Pwede ko po ba makuhang number nya wala po akong girlfriend sir, asawa lang. Tito Ton-Ton: Alam mo isa ka pa eh.
2.
Ah Ok 03:47
Kahit pilit kong maging tunog romantiko Pag-salang ko sayo'y magmumukha kong desperado Init ng pagsuyo kong kinagiliwan mo Ang dating lumalagablab di na tumatalab Ayokong idamay ang araw mo Sa twing di ko mapigil tumawid sa'king hangganan At kung sakaling storbo ang kahibangang ito Huwag mabahala bukas din ang puso ko'y tatahan Ganto lang talaga ko minsan Wag na lang masyadong papatulan Kung magambala man kita Wag mo na lamang intindihin Ayokong masira ang araw mo Katulad ng tiwalang pinagkaloob mo sakin Patawarin mo ko kung umabot mga kalat ko sa bakauran mo Nasasabik ko lang siguro Pagsinta mo't kung paano mo ko no'n tinuring O minsan Turuan mo naman ako kung pano mo nakalimutan kagad Kung panong kay dali-dali mo lamang binasura Lahat ng mga gintong gunitang di mawala sakin Sayo'y parang bula lamang ang ating ala-ala Lumalala na
3.
Kung alam mo lang kinakalaban ko ang puso at isipan twing dinadalaw ako ng alaala mong inimbag sa'king kasayasayan Kung alam mo lng kinakalikot ko ang sugat mong iniwan twing binibisita ko ang mga lumang sulat mong nagsasabing walang hanggan Nasan na nga ba 'yon Mga pangakong kinapitan ko Sayang ang panahong Pinaglaban kong itakas ka Sa bakuran na nagbawal sa iyong magmahal At nung nabuksan ko ang pinto di ba't walang kasing tamis Kahit saglit at kay tamis lang ng ating Pagkakataong tayo'y lumago Ngunit ikaw ay umalis at doon na nagsimula ang hinagpis Kung alam mo lang kinakausap kong sarili't sinasabing ayos lang Makakayanan din ang hirap ng katotohanan na wala ka na Di rin magtatagal Meron ding papalit sa pwesto mo Sakin'y magmamahal At pakatatandaan mo ito Di ka namakakahanap ng katulad ko
4.
Natapos na ang tag-ulan Nagaabang na ng araw Wala pa bang masaakyan Sorbetes ko ay natutunaw Ipagdiriwang ko ang aking tagumpay na mag-isa Ilang gabi't araw akong nalulumbay nung lumisan ka Malamig na digmaan Libingan ng pag-ibig Alaalang pinaslang Barilan ng tahimik Madali lang sana kong magwawagi kung nandyan ka Ang nangyari ay ikaw pa ang s'yang katunaggali't nakabangga Kung maari ko lang malaman ang laman ng iyong damdamin Nagdalamahati ka din kaya o hinipan lamang ng hangin Natapos na ang tag-ulan Pudpod nang aking lapis Tapos na din ang kabanatang: "Ikaw pa din ang nais" Halos lahat ng awit na sinulat ko'y may ihi mo Umaasang merong maisulat na bagong yugto Kung maari ko lang malaman ang laman ng iypng damdamin Nagdalamahati ka din kaya o hinipan lamang ng hangin Ang sindi ngkandilang binalik ko sa'yo Samantalang di mabilang ang patak kong sinalo Lalalalala
5.
Hawakan mo ako subukan lang natin Kung san tayo pwedeng dalhin ng ating mga puso Anong madarama pag hawak na kita Laging pinapangarap ngunit di magawa Subukan lang kaya natin sinta papayagan ba Baka sakaling marinig natin ang awit ng mga anghel sa langit O baka naman madagdagan ang kulay na mamamasdan natin ang bahaghari Yan ay kung saka-sakaling.. Laging iniensayo pag gabi nakasama ka Na para bang eksena tayo sa pelikula Lahat ng linya'y saulado sasabihin'y kabisado ngunit pag sa totoo ang tapang ko ay nagalaho giliw ko Di mo lang alam ang bigat na pinapasan Tuwing pumapasok sa isip kong katotohanan Ang puso mo ay di ako ang nilalaman Ngunit mapapawing lahat at gagaan ang bigat kung ako'y mapagbibigyan mo Naglalaro sa isip ko ang mga pwedeng mangyari Kung sakaling akin ka Wala kong tiwala sa tadhana Bakit hindi sumasagi sa isip mong subukan ito
6.
Habangbuhay 04:24
Kahit pilit mang pigilin bumigay sa'yo Puso'y ayaw paalipin ngunit nabihag mo Yan ang hirap nang nasanay na ikaw ay laging nasa tabi Kahit na minsan ka lang mawalay ay hindi na mapakali Papangalanan na ba Ng "pag-ibig" ang nadarama Puso ba'y meron pang pangamba Basta't alam ko lang ayaw na kitang mawala Maaari bang pang habangbuhay ka na Aking puso ay sinuri kung handa na ba O kailangan lang kita dahil sa nag-iisa Nung lumaon ay napansin kong ikaw nang nagiging dahilan Ng lungkot dahil wala ka at saya pagkat ikaw'y nariyan Papangalanan na ba Ang tambalan nating dalawa Puso ba'y meron pang pangamba Basta't alam ko lang ayaw na kitang mawala
7.
Isang mahabang pila Ako'y nasasabik na Di alintana ang aking mga buhat at hila Ako'y papauwi na Gusto ka nang makita Di makahimbing hangga't ang ulo'y di pumaparada Sa iyong balikat at ang labi mo'y lumapat sa akin Lambingan sa telepono't ngiti sa larawan Sinong magsasabi na ako ikaw'y nakukontento dyan Init ay wala kung di ka nahahawakan Ilang sandali na lang ang braso ko ay dadagitan Ang iyong balikat at ang labi mo'y lumapat sa akin Di mapakali hanggat wala sa'yong piling Ikaw ang aking tahanan Liham mong sinulat sa likod ng larawan lumbay man ay napwi ngunit eto ay panandalian lang Init ay wala kung di ka nahahawakan Ilang sandali na lang ang braso ko ay dadagitan
8.
Gray 04:08
Don't mind my hands if they're shaking Ignore my voice if its breaking Darling I'll let you go Don't worry soon I'll be fine This pain will die in no time But darling I'll miss you so I won't deny I knew this time would come But I kept on believing that the love that we once shared Will bring you back to me on an orange colored day But all's gray Don't mind my walls if they're shaking Ignore my heart if its breaking I'm trying but they still show Would you regret this someday Be wishing that you should have just stayed My darling I'll never know Fireworks in the sky It's a celebration Even though I'm bleeding I know that I'm winning
9.
Ang pagdating mo ay hudyat sa paghinto At mga isiping hindi naman ginto Handa na ba kong magmahal May sugat man ay hindi nagatabuli Nung una man'y sawi ay tumayang muli Tuloy pa rin sa pagpidal Nung nasakta'y namulat Tinanggap ang nawala't umusad na Palibutan mo ko ng ng mga halik Kalmahin mo ang kulo sa'king dibdib Pait na rumaragasa Mga palatandaan ng pagibig At pagsusuka heto't maririnig Sa puso kong tumutula Ang multo ng kahapon Bumalik man't mangulo'y matapang na At habang tumatagal natuto nang magtanggal Ng mga pabigat na hindi naman mahalaga Minsan'y tumatabang wag nang lalahukan Ng mga sangkap na hindi naman mahalaga Nung nasakta'y namulat Tinanggap ang nawala't umusad na At habang tumatagal natuto nang magtanggal Ng mga pabigat na hindi naman mahalaga Habang tumatanda natutp ng maghanda Kung may mawawala tinuring mo mang mahalaga
10.
Meet me on a Valentine's Eve Though I know I can't give Everything that you need that night The attention you consistently long Turn it into a song I promise to bring you home on time This song is an open invitation to you Let's celebrate in advance How long we'll we be staying in this shade of blue Let's go give ourselves a chance Meet me on a Valentine's Eve Long roads road trips Though the next day it ain't or us We've been lonely for a number of weeks And it's making us weak Loneliness can be dangerous Meet me on a Valentine's Eve Let's raise our drinks To the lovers who long for love We've been feeling melancholy for weeks And it's making us sick It cannot be always like this
11.
Hele 02:47
Wag mo sanang pagdamot sa'kin kwento ng iyong kasaysayan tatanggapin ang nakaraan mo ng buong puso tulad sa pagyakap mo sa kahapon kong bigo. Di ako maglilihim sa'yo. Tayo ang magtatago ng mga sikreto. Pabayaan natin ang buong mundo tuklasin ang misteryo. Saradong ating libro. Hindi magagasgas pag-ibig na wagas. Tayo ay walang wakas.

credits

released November 9, 2014

PRODUCED/RECORDED/MASTERED BY GLEN TIOPEZ // GUEST ARTIST: YEYE SALONGA AND CAMILLE BARRIENTOS// ORIGINAL ART AND DESIGN BY THEA CINCO

license

all rights reserved

tags

about

Glen Tiopez Philippines

Glen Tiopez is the lead vocalist and rhythm guitarist for the band The Giliws. He also played for the defunct groups, The Ballad of Glen and Kenna, Piñata and The Eighteens.

contact / help

Contact Glen Tiopez

Streaming and
Download help

Redeem code

Report this album or account

Glen Tiopez recommends:

If you like Glen Tiopez, you may also like: